Brutal na pinaslang ang isang buntis na Persons with Disabilities (PWD) sa Sitio El Kuda, Barangay Puti, South Cotabato nitong Sabado ng umaga, Marso 14.

Kinilala ang biktima na si Marivic Capion, 34-anyos. Ayon sa Norala Police, natagpuan ang kanyang bangkay na may matinding sugat sa leeg na halos ikahiwalay ng kanyang ulo.

Narekober naman sa tabi ng biktima ang isang itak o bolo na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo sa likod ng karumal-dumal na insidente. Wala pa ring inilalabas na pahayag ang pamilya ng biktima kaugnay ng pangyayari.