Homecoming sana, kaso sa selda na naman ang ending!
Nahuli sa ikinasang buy-bust operation ng Police Station 3 ang isang dating preso kahapon ng hapon sa Bubong Road, MB Tamontaka, Cotabato City. Hindi reunion sa pamilya ang naganap kundi reunion sa kulungan!
Kinilala ang suspek na si Eric Palog, mas kilala sa alyas na “Buagas,” residente ng MB Tamontaka. Sa operasyon, nasabat mula sa kanya ang isang pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 0.1 gramo, tinatayang ₱500 ang halaga — maliit man, pero sapat na para tuluyang mabitag.
Ayon sa pulisya, hindi ito ang unang sabak ni Buagas sa gulo. Nauna na siyang nakulong sa kaparehong kaso noong Abril 2023 at nakalaya lang nitong Nobyembre 2024. Pero tila miss na miss niya ang loob ng selda, kaya ayun — comeback is real!
Sa pagkakataong ito, mukhang matagal-tagal ang kanyang “reunion” sa mga dati niyang ka-kulungan, habang muling nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.