Matagumpay ang buy-bust operation ang isinagawa noong Marso 17, 2026, bandang alas-7:09 ng gabi sa Brgy. Saguing, Maria, Siquijor, na nagresulta sa pag-aresto ng isang itinuturing na Isumbong Mo Sa PDEA (IMSP) na drug personality.

Pinangunahan ang operasyon ng PDEA RO-NIR Siquijor Provincial Office, katuwang ang Maria Municipal Police Station at Siquijor Police Provincial Office.

Ayon sa ulat, nakumpiska sa suspek ang tatlong (3) heat-sealed plastic sachets ng pinaghihinalaang shabu na may kabuuang timbang na 0.15 gramo. Kabilang din sa nakumpiskang gamit ang buy-bust money at isang cellphone.

Ang suspek ay kinilalang si alias Jason, 42 taong gulang, residente ng Brgy. Minalulan, Maria, Siquijor. Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad si Jason habang isinasagawa ang kaukulang imbestigasyon at kaso laban sa kanya.

Patuloy ang kampanya ng PDEA at pulisya laban sa iligal na droga sa lalawigan, bilang bahagi ng mas malawak na programa laban sa mga drug personalities sa rehiyon.