Arestado ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Purok Islam, Barangay MB Tamontaka, Cotabato City.
Ayon sa ulat ng Police Station 3 ng Cotabato City Police Office (CCPO), naganap ang operasyon bandang 11:30 ng umaga noong March 6 na isinagawa ng Station Drug Enforcement Team (SDET) sa pamumuno ni PCPT Kenneth Van A. Encabo, Station Commander.
Isinagawa ang operasyon katuwang ang City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU-CCPO) at Philippine Drug Enforcement Agency–BARMM (PDEA-BARMM).
Sa naturang buy-bust operation, naaresto ang suspek na kinilalang si alyas “Waway,” na itinuturing na street-level individual (SLI) at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon sa pulisya, bahagi ang naturang operasyon sa patuloy na kampanya ng mga awtoridad laban sa ilegal na droga sa lungsod upang mapanagot ang mga indibidwal na sangkot sa ganitong gawain. Patuloy naman ang imbestigasyon kaugnay sa insidente.

















