Higit dalawanlibong magaaral ng Mindanao State University o MSU ang nakabenepisyo sa isinagawang Voters Empowerment Forum o VEF na pinangasiwaan ng Bangsamoro Youth Commission.
Katuwang naman ng BYC sa pagsasagawa ng forum ang SSC o Student Supreme Council ng MSU- Maguindanao, IPDM, Comelec Maguindanao del Norte at ng pamahalaang panlalawigan ng Maguindanao del Norte sa pamamagitan ng Provincial Youth Development Office o PYDO.
Sa panayam kay BYC Commissioner Nas Dunding, layunin ng nasabing talakayan na makabuo ng mga lider-kabataang may kaalaman at maitaguyod ang kasalukuyang katayuang pampulitika sa rehiyon sa pamamagitan ng pagtalakay at pagunawa sa BEC o Bangsamoro Electoral Code.
Ayon naman kay PYDO Sittie Khairon Tago sa naging talumpati nito, sinabi nitong ang mga hakbangin na kagaya ng nasabing forum ay bahagi ng priority agenda ng pamahalaang panlalawigan at sila ay 100 percent ang pagsuporta dito.
Sa aktibidad, nagpaliwanag si BTA Committee on Rules Secretariat Head Gerardo Concepcion III sa mga magaaral na kalahok ang mga mga mahahalagang punto at katangian ng BEC at ang kanilang layunin na maipatupad ito.
Samantala, nagsagawa naman ng Demonstration o testing ang COMELEC-MDN sa pangunguna ni Election Officer Bai Maseda Abo ng Automated Voting Count Machine na gagamitin sa halalan sa darating na Mayo 2025 at pagkatapos naman nito, nagsagawa naman ng pagtalakay si Sheikh Saiful Gayak at tinalakay naman nito ang paksang “Ang halalan sa pananaw ng Islam”.