Nasamsam sa isang aktibong CAFGU member na isa ding High Valued Target ng PDEA BARMM ang humigit sa tatlong (3) milyong pisong halaga ng ipinagbabawal na droga sa ikinasang drug buy-bust operations sa Barangay Talub, Tamparan, Lanao del Sur.

Kinilala sa ulat ng PDEA BARMM ang suspek na si Alonto Calauto Pampa na residente ng Barangay Cabasaran, Lunbayanague at aktibong miembro ng CAFGU.

Nakuha sa suspek ang isang pakete ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng droga na may bigat na limandaang (500) gramo na nagkakahalaga ng P3.4-M, isang baril at magasin na may mga bala at kasama ring nabawi ang bust money.

Matapos ang operasyon, agad na dadalhin sa kustodiya ng PDEA BARMM Jail Facility ang suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Photo credits to: PDEA Regional Office BARMM