Isang 34-anyos na lalaki ang natagpuang wala nang buhay sa isang tindahan sa Mother Barangay Rosary Heights, Cotabato City.

Kinilala ang biktima na si Jommel Binoy, caretaker ng tindahan mula Barangay Dadu, Alamada, North Cotabato.

Ayon kay Cotabato City Police Station 2 Commander PMaj. Teofisto Ferrer Jr., natuklasan ng kanyang pinsan ang insidente bandang alas-8 ng umaga matapos subukang gisingin ito.

Walang palatandaan ng foul play at hinihinalang bangungot ang sanhi ng pagkamatay.