Isang kargamentong naka-flag ng Singapore na may 21 Filipino crew ang tumaob sa karagatan, humigit-kumulang 55 nautical miles hilagang-kanluran ng Scarborough Shoal.
Agad na nag-deploy ang Philippine Coast Guard ng BRP Teresa Magbanua, BRP Cape San Agustin, at dalawang PCG aircraft upang isagawa ang search and rescue operations para sa mga tripulante.
Nabatid ngayong umaga, Biyernes, Enero 23, 2026, mula sa Hong Kong Maritime Rescue Coordination Centre na ilang tripulante ay nasagip na ng isang barko ng China Coast Guard habang dumaraan sa nasabing lugar.
Naglabas rin ang Chinese Embassy sa Manila ng mga larawan na nagpapakita ng 13 Filipino crew members na nasagip.
Patuloy pa rin ang search and rescue operations ng PCG upang matiyak na lahat ng tripulante ay mailigtas at maibalik sa kaligtasan.

















