Agad nagsagawa ng aksyon ang Cotabato City Police Office (CCPO) matapos kumalat ang isang video na nagpapakita ng umano’y hindi wastong pakikitungo ng ilang pulis sa isang operasyon.
Ayon sa opisyal na pahayag ng CCPO, ang insidente ay bahagi ng lehitimong police operation kaugnay ng cyber-sextortion complaint laban sa isang PDEA agent, na pinangunahan ng RACU–BAR at sinuportahan ng PS2, CCPO.
Inihayag ng opisina na lahat ng PS2 officers na lumilitaw sa video ay inilagay na sa administratibong imbestigasyon, inalis sa kanilang tungkulin, at kasalukuyang nasa restrictive custody sa CHAU, CCPO habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Binibigyang-diin din na ang mga pulis ay awtorisadong gumamit ng angkop na puwersa para supilin ang tumututol na suspek alinsunod sa batas.
Binigyang-diin ng CCPO ang kanilang paninindigan sa disiplina, propesyonalismo, at pananagutan, at tiniyak na walang iisang uri ng paglabag ang tatanggapin. Hinikayat din ang publiko na maging mapagmatyag at makipagtulungan sa mga awtoridad sa pagbibigay ng impormasyon para mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa Cotabato City.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni PCol. Jibin M. Bongcayao, City Director: “Upholds strict professionalism and accountability at all times. We have already initiated the necessary administrative actions and placed the involved personnel under restrictive custody while the investigation proceeds. No misconduct will be tolerated under my command.”

















