Permit muna bago protesta. Ito ang paalala ng Cotabato City PNP sa kasunod ng mga aktibidad na may kinalaman sa mga rallies o protesta sa lungsod.

Ipinaliwanag ng Cotabato City Police na sinusunod nilang mahigpit ang probisyon ng Batas Pambansa bilang 880 na kilala bilang Public Assembly Act of 1985 na may polisiya patungkol sa NO PERMIT NO RALLY POLICY.

Dahil dito, pinapayuhan nila ang mga nagbabalak ng demonstrasyon, aktibidad o rally sa lungsod na kumuha o magkaroon ng permit na galing sa City Government, limang araw bago ang naturang pagtitipon.

Dagdag pa ng CCPO, ang mga organizers o mga nagorganisa ay kanila ring pinapayuhan na makipagusap sa City LGU upang maging maayos ang kanilang aktibidad.

Sa huli, iginiit ng CCPO na nirerespeto nila ang sentimyento at malayang pamamahayag ng bawat mamamayan ngunit may kaakibat din dapat itong obligasyon upang di makaabala o makagambala sa bawat isa at sa publiko.