Inilabas ng Cotabato City Police Office (CCPO) ang kanilang ulat ng mga operasyon mula Oktubre 1 hanggang 30, 2025. Ayon sa ulat, naisagawa ang 28 operasyon laban sa ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto ng 29 na suspek at pagkumpiska ng mga ipinagbabawal na droga na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱1,188,722.

Sa ilalim naman ng loose firearms operations, naisagawa ang 11 operasyon kung saan anim ang naaresto at dalawampu ang kusang sumuko o na-deposit ang kanilang mga armas. Sa kategorya ng arrest of wanted persons, walo ang naaresto sa iba’t ibang kaso.

Isang operasyon laban sa ilegal na pagsusugal sa Bongcayao ang naisagawa na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlong indibidwal. Sa tala ng mga insidente ng pamamaril sa lungsod, may tatlong insidente na naitala; dalawa rito ay nalutas na habang isa ay patuloy na iniimbestigahan.

Ayon kay PCOL Jibin M. Bongcayao, City Director ng Cotabato, ang ulat ay bahagi ng regular na dokumentasyon ng pulisya sa mga operasyon sa lungsod. Para sa agarang tulong o pag-uulat ng krimen, maaaring tumawag sa Cotabato City PNP hotline sa numerong 0997-5445-872, at puwede ring i-scan ang QR code upang ma-access ang kanilang application.