Patuloy pa rin sa pagtuklas ng motibo ang Cotabato City Police Office (CCPO) kaugnay ng mga serye ng pamamaril sa lungsod.
Sa panayam ng Star FM Cotabato kay PLT. Rochelle Evangelista, tagapagsalita ng CCPO, sinabi niyang nakakalungkot ang insidenteng naganap kamakalawa sa Parang Road, Quezon Avenue, Rosary Heights 2, kung saan isang biktima ang nasawi habang isa naman ang sugatan.
Ayon kay Evangelista, may mga tinitignang person of interest ang pulisya at kasalukuyang nirerebyu ang mga CCTV footage sa lugar upang matukoy ang mga responsable sa krimen.
Dagdag pa niya, hindi pa matukoy ang eksaktong motibo sa likod ng pamamaril, ngunit patuloy ang kanilang masusing imbestigasyon upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima.