Naabot ng Cotabato City Police Office (CCPO) ang unang pwesto sa Regional Unit Performance Evaluation Rating para sa buwan ng Setyembre 2025.
Ayon sa ulat, ipinapakita ng resulta ang antas ng implementasyon ng peace and order programs at operational efficiency ng CCPO sa ilalim ng pamumuno ni PCOL Jibin M. Bongcayao, City Director.
Ang performance evaluation ay bahagi ng regular na pagsuri sa mga police units sa rehiyon, na tumutukoy sa kalagayan ng serbisyo publiko, pagpapatupad ng batas, at koordinasyon sa komunidad.
		
















