Humingi ng tawad ang driver ng isang cement mixer truck matapos itong mawalan ng preno at araruhin ang ilang sasakyan at motorsiklo sa bayan ng Makilala.

Nilinaw ng driver na aksidente ang nangyari at wala siyang intensyon na mangyari ang insidente.

Ayon dito, mula siya sa Barangay Batasan kung saan may proyekto silang isinasagawa, at patungo sana sa Kidapawan City upang magpa-emission test nang maganap ang aksidente.

Posibleng maharap ang driver sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property, ngunit nakikipag-ugnayan na ito sa may-ari ng kompanya ng mixer truck upang tugunan ang mga civil damages na dulot ng insidente.