Humigit-kumulang 300 reams ng pinaghihinalang smuggled na sigarilyo, na nagkakahalaga ng ₱240,000, ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang checkpoint operation sa Purok 3, Barangay Nangka, Baloi, dakong 9:50 ng umaga ng Pebrero 25, 2026.

Ayon sa ulat, hinarang ng mga tauhan ng Baloi Municipal Police Station ang isang Honda sedan na minamaneho ni alyas “Ajis,” 26 taong gulang, kasama ang pasaherong si alyas “Francis,” 47, parehong residente ng Zamboanga City.

Sa isinagawang inspeksyon, napansin ang ilang kahon ng Modern brand cigarettes na pinaghihinalang ilegal at smuggled.

Dinala sa Baloi MPS ang nasamsam na sigarilyo at sasakyan para sa dokumentasyon at pansamantalang kustodiya.

Ayon sa mga awtoridad, hinihintay na ang turnover ng mga nakumpiskang produkto sa Bureau of Customs – Iligan City para sa kaukulang aksyon at imbestigasyon laban sa mga suspek.

Ipinapaalala ng pulisya ang publiko na ang pagbebenta at pag-iingat ng smuggled na produkto ay labag sa batas at may kaakibat na legal na parusa.

SOURCE: PCADG Northern Mindanao