Magpapatupad ng mga checkpoints at chokepoints ang Cotabato City Police Office (CCPO) sa mga piling lugar sa lungsod simula bukas, October 9, 2025, bilang bahagi ng kanilang pagpapatupad ng batas at kampanya kontra krimen.
Ayon sa abiso ng CCPO, layunin ng operasyon na mapanatili ang kapayapaan at seguridad ng publiko.
Paalala ng pulisya sa mga motorista, partikular sa mga magsusuot ng face bonnet o anumang pantakip sa mukha, na maaari silang pahintuin at hingan ng pagkakakilanlan bilang bahagi ng seguridad.
Hinihiling ng pulisya ang pang-unawa at pakikipagtulungan ng publiko sa naturang operasyon.
Ang kooperasyon anila ng bawat mamamayan ay malaking tulong upang mapanatili ang kaayusan sa buong lungsod.