Personal na nakiramay si Bangsamoro Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” A. Macacua sa pamilya ng yumaong Bangsamoro Parliament Speaker Atty. Pangalian Balindong sa isinagawang Ta’aziyah Kanduli nitong Linggo, Oktubre 5, 2025.

Sa kanyang mensahe, binigyang-pugay ni Chief Minister Macacua ang nasirang lider bilang isa sa mga haligi ng Bangsamoro struggle at ng paglilingkod para sa katarungan.

Aniya, mananatiling bahagi ng kasaysayan ng rehiyon ang mga naiambag ni Speaker Balindong sa pagsusulong ng kapayapaan at reporma sa pamahalaan. Inalala rin ng Punong Ministro ang kanilang huling pag-uusap, kung saan ibinahagi umano ni Speaker Balindong ang mahahalagang payo at gabay kung paano higit pang mapatatag at mapabuti ang pamamahala sa Bangsamoro.

“Ang kanyang mga aral at halimbawa ay magsisilbing inspirasyon sa atin upang ipagpatuloy ang adhikain ng kapayapaan, katarungan, at moral governance tungo sa mas matatag na Bangsamoro,” ayon kay Macacua sa kanyang pahayag.

Ang pakikidalamhati ni Chief Minister Macacua ay patunay ng kanyang pagpapahalaga sa mga naiwang ambag ni Speaker Balindong sa pagtatag ng matatag at makatarungang pamahalaang Bangsamoro.