Personal na bumisita ang mismong pinuno ng Pambansang Pulisya na si PNP Chief General Rommel Francisco Marbil kahapon ng umaga sa burol ng pinaslang patay na si Msgt. John Manuel Bongcawil upang makiramay sa mga naulila nitong kaanak at pamilya.

Kung maaalala, napaslang si MSgt. Bongcawil sa parking area ng City Mall Cotabato nitong linggo kaharap ng magina nito. Kasalukuyang nakalagak ang mga labi ng naturang intelligence official sa kanilang tahanan sa bayan ng Parang, Maguindanao del Norte.