Mas paiigtingin ng Cotabato City Health Office ang kampaniya nito laban sa paninigarilyo at vape devices matapos na mailatag na ang mas mahigpit na panuntunan ng Smoke Free Environment Ordinance of Cotabato City o City Ordinance Number 4581 series of 2018.
Bukod sa paglalagay ng mga karatula bilang paalala sa mga pampublikong lugar at lansangan ay naginspeksyon din ang CHO sa ibang mga establisyemento at mga negosyo na nasa lungsod.
Kasabay ng inspeksyon, nagbigay ito ng kopya ng ordinansa at mga posters na may nakalagay na Strictly No Smoking and Vaping na kailangang ipaskil nito sa kanilang mga establisyemento.
Nakipagpulong din ang CHO sa mga BHW’s sa ibat ibang barangay sa lungsod upang matalakay ang nasabing ordinansa at ang tamang pagpapatupad nito sa kani kanilang barangay.
Muli namang nagpaalala ang City Government na ang paninigarilyo at paggamit ng vape sa public places ay ipinagbabawal dahil mapanganib ito sa kalusugan ng mga nakalalanghap lalo sa mga bata.
May kaparusahang multa na aabot sa 5,000.00 ang lalabag sa nasabing ordinansa.