Nababahala ang Commission on Human Rights (CHR) sa naging direktiba ni Police General Nicolas Torre III, bagong hepe ng Philippine National Police, sa mga pulis na paramihan ng mga inaarestong sangkot sa iligal na droga.
Ayon kay CHR Commissioner Beda Epres, dapat ay nananatili ang due process sa lahat ng operasyon ng pulisya. Aniya, hindi dapat maging batayan ng tagumpay ang dami ng huli, kundi ang pagsunod sa tamang legal na proseso.
Dagdag ni Epres, posibleng malagay sa alanganin ang karapatang pantao ng mga mamamayan kung ang mga operasyon ay isasagawa nang walang sapat na batayan, sa layuning maabot lamang ang quota o target na bilang ng aresto.
Matatandaang inihayag ni Gen. Torre na isa sa magiging sukatan ng performance ng mga kapulisan ay ang dami ng kanilang nahuhuli sa kampanya kontra iligal na droga.