Sa kaunaunahang pagkakataon, walang naitalang anumang insidente o karahasan ang Cotabato City Police Office o CCPO sa lungsod nitong nagdaan na bisperas ng kapaskuhan, Disyembre 24. Tila aniya nag holiday break ang mga masasamang loob dahil sa naging kumpirmasyon na ito ng CCPO sa Star FM Cotabato News Team.
Isa aniya itong himala sa kaunaunahang pagkakataon na maituturing dahil nagkakaroon ng mga tala ng kriminalidad o insidente sa bisperas o sa mismong araw ng kapaskuhan kada taon. Kakaiba aniya ang taong ito dahil sa kanilang pagbabantay, walang naitalang untoward incidents o mga krimen ang kapulisan sa siyudad.
Magkagayonpaman, nananatili pa ring nakabantay ang mga otoridad ng CCPO para sa ikatatahimik ng araw mismo ng kapaskuhan hanggang sa pagsalubong ng bagong taon sa susunod na linggo.