Itinanggi ng CIDG-RFU-BAR na sila ay may direktang kinalaman at sangkot sila sa insidente ng pamamaril na naganap sa Barangay Labu-labu Mother, Shariff Aguak Maguindanao del Sur na kung saan dalawang menor de edad ang patay na kinilalang sina Johari at Hamod Moksin.
Wala diumanong uri ng involvement ang kanilang hanay sa insidente at sa katunayan, nagsagawa na rin ito ng parallel investigation katuwang ang Shariff Aguak MPS hinggil sa insidente.
Mariin namang kinundena ng hanay ng CIDG ang insidente sabay sinabi nito na tuloy ang kanilang pagpapanatili ng rule of law at pagtiyak sa kaligtasan ng komunidad.
Nakiramay naman sa mga pamilyang Moksin at kumunidad na naapektuhan ang mga kawani ng CIDG RFU BAR.