Bahagyang nagkatensyon sa Marawi City Hall compound kahapon ng umaga matapos na ihain ng National Bureau of Investigation o NBI ang isang warrant laban kay Vice Mayor Annouar Romorus Abedin Abdulraof.

Ang mandamiento de aresto na galing pa sa Maynila ay may kinalaman sa kasong murder o pagpatay na kinahaharap ng bise alkalde.

Tila overkill o pagmamalabis ayon sa mga nakasaksing indibidual ang naganap na paghahain ng Warrant of Arrest dahil sa ginamitan ito ng isang batalyon na armado upang maaresto si Abdulrauf.

Katuwang ng NBI ang Taskforce Marawi, Marawi City PNP, SAF at iba pang mga kawani at autoridad sa pagaresto sa naturang vice mayor.

Wala naman aniyang naiulat na untoward incident o nasaktan sa nasabing tensyon.