Pinangunahan ng pamunuan ng 6th Infantry (Kampilan) Division, Philippine Army ang mainit na pagtanggap kay Undersecretary Harold Navas Cabreros, Civil Defense Administrator ng Office of the Civil Defense at Executive Director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa kanyang opisyal na pagbisita sa Camp Siongco nitong Enero 27, 2026.
Sa kanyang pagdating, binigyan si USec. Cabreros ng kaukulang seremonya ng parangal militar at pormal na tinanggap ni Major General Jose Vladimir Cagara, Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central, kasama ang mga nakatataas na opisyal, senior non-commissioned officers, at civilian personnel ng division.
Si USec. Cabreros, isang retiradong Army General na may mahigit apat na dekada ng serbisyo militar, ay may malawak na karanasan sa Humanitarian Assistance at Disaster Response. Kasapi rin siya ng Philippine Military Academy “Maharlika” Class of 1984 at nagtapos ng Master’s Degree sa Public Administration.
Ayon sa mga opisyal, ang pagbisita ni USec. Cabreros ay naglalayong patatagin ang ugnayan at koordinasyon ng civil at military agencies sa disaster response, pagpapabuti ng kahandaan ng mga pamahalaan sa panahon ng kalamidad, at pagpapalakas ng pambansang seguridad sa rehiyon.

















