Natunaw na ang binabantayang Low Pressure Area (LPA 09b) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) kaninang alas-2 ng madaling araw, Setyembre 11, 2025. Ayon sa DOST-PAGASA, wala nang namo-monitor na sama ng panahon na posibleng maging bagyo sa ngayon.
Samantala, batay sa Mindanao weather forecast ng PAGASA, posibleng makaranas ng localized thunderstorms ang ilang bahagi ng rehiyon. Inaasahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.
Paalala ng PAGASA, mag-ingat sa posibleng flashfloods o landslides lalo na kapag lumakas ang thunderstorm. Inaasahan din ang banayad hanggang katamtamang hangin mula sa timog hanggang timog-kanluran, habang bahagya hanggang katamtaman ang taas ng alon sa karagatan (0.6 hanggang 1.0 metro).
Kaya Solid StarNation, stay alert at laging mag-monitor ng official updates mula sa DOST-PAGASA.