Isinusulong ng mismong Punong Ministro ng rehiyon na si BARMM Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim na maibalik muli sa BARMM ang lalawigan ng Sulu.
Sa naging pampublikong pagdinig ng kumite sa lokal na gobyerno sa Senado, sinabi ni CM Ebrahim na mahalagang parte ng Bangsamoro ang lalawigan at gusto nitong maibalik ang probinsya sa rehiyon at idinahilan nito ang mahalagang bahagi ng probinsya sa kasaysayan ng rehiyon.
Bagamat aniya ay wala pa namang nagaganap na plebesito, mananatiling ealang mababago sa block grant budget ng probinsya at unaffected ito ayon pa kay Ebrahim.
Patuloy pa rin aniya ang buhos ng serbisyo sa Sulu ng BARMM Government at tuloy rin ang mga proyekto at mga pagawain dito lalo na ang pagpopondo para sa mga empleyado ng lalawigan.
Sa huli, tiniyak ni Ebrahim ang pananatili ng kanilang kaisahan at hindi mawawala sa kasaysayan ng Bangsamoro ang mahalagang papel na dala ng Lalawigan ng Sulu.