Walang sala-salamin na makakaharang sa kanilang pagkakamay.

Ito ang buod ng litrato nina BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim at Sulu Governor Abdusakur Tan bago ang ikatlong State of the Nation Address o SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahapon sa Lungsod ng Quezon sa kalakhang Maynila.

Kahit may nakaharang na salamin, nagkamayan ang dalawa.

Kung maalala, si Tan ay ang chosen one o pambato ng Bangsamoro Grand Coalition (BGC) bilang Chief Minister ng BARMM samantalang si Ebrahim naman ang sa United Bangsamoro Justice Party o UBJP.

Ayon sa mga usisero at mga netizens, ito ay pagpapakita lamang na nagkakasundo pa rin ang magkabilang panig kahit sila ay magkakaanib sa ibang partido at kulay ng pulitika.