Ipinahayag ng Commission on Elections (COMELEC) na nasa 90 porsyento na ang kanilang kahandaan para sa nakatakdang Parliamentary Elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa darating na Oktubre.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, tuloy ang nasabing halalan kahit na naantala at na-postpone ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Batay sa pagtataya ng komisyon, tinatayang nasa 2.3 milyong rehistradong botante ang lalahok sa halalan sa darating na Oktubre 13.
Matatandaan na nitong Pebrero 2025, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na naglipat ng iskedyul ng Parliamentary Elections sa BARMM mula Mayo patungong Oktubre.