Para maiwasan ang kalituhan at sakit ng ulo, ipinaliwanag ni Atty. Mohammad Nabil Mutia ng Comelec BARMM ang magiging sistema ng pagboto ng mga botante sa darating na First BARMM Parliamentary Elections sa susunod na taon.
Pag natapos na ang deliberasyon ng mga usapin sa koalisyon o pagsasama-sama ng partido at kapag ito ay naaprubahan, KOALISYON imbis na partido na indibidwal na aniya ang isusulat ng botante sa kanyang balota imbis na ang indibidwal na partido.
Dahil dito, obligasyon na ng mga partido na sumanib sa koalisyon ang pagpapaalala sa kanilang mga magiging botante na imbis na partido, KOALISYON na ang isusulat ng mga ito sa balota.
Ang pagpapaliwanag ay ginawa ni Mutia sa question hour sa ginanap na BARMM Dialogues with MEDIA and CSO’s sa lungsod ng Davao noong nakaraang araw.