Maaaring maulit ang tila perya at madramang paraan ng pagsusumite ng Certificate of Candidacies (COC) kasama ang Party Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) ng mga tatakbo sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections.
Ayon kay COMELEC-BARMM Regional Director Atty. Ray Sumalipao, ito ay maaaring maging opsyon kung malayo pa ang eleksyon. Gayunpaman, aniya, ang magiging proseso ay nakadepende pa rin sa magiging kautusan ng COMELEC.
Bukod sa mga desisyong ipapalabas ng COMELEC sa pamamagitan ng isang en banc resolution, susubaybayan din nila ang mga regulasyong nakasaad sa batas na may kaugnayan sa pagpapaliban ng halalan. Mula sa orihinal na petsang Mayo 12, itinakda na ito sa Oktubre 13 ngayong taon, sa halip na isabay sa lokal at pambansang eleksyon.
Kahapon, pormal nang inaprubahan ng parehong Senado at Kongreso ang naturang panukala, kung saan napagkasunduan nilang ilipat ang halalan sa Oktubre 13.