Kasabay ng naging pag-apruba ng panukalang resetting ng BARMM Election sa dalawang kapulungan ng kongreso at senado, humirit naman ang COMELEC o Commission on Elections na kung hindi matutuloy ang First Bangsamoro Parliamentary Election kasabay naman ng National and Local Election sa buwan ng Mayo.

Karagdagang 2.5 billion ang kakailanganin ayon kay COMELEC Chairman George Garcia dahil magiging espesyal na halalan na ang magaganap na halalan sa rehiyon at nangangailangan ito ng hiwalay na manpower, gamit at tauhan maging mga materyales.

Samantala, natapos na ang ginanap na Bicameral Conference Meeting upang mapag-isa ang dalawang magkaibang panukala ng kongreso at senado.

Napagpasyahan sa naturang Bicam Conference ng dalawang kapulungan na maililipat sa oktubre 12, 2025 ang nasabing halalan sa rehiyon.

Mananatili naman na nakaupo sa kanilang mga pwesto ang mga Members of Parliament na nakapagfile na ng kanilang kandidatura ngunit may kapangyarihan din ang pangulo ng bansa upang palitan sila o mapanatili sa pwesto.