Ipagpapaliban muna ng Commission on Elections (COMELEC) ang nakatakdang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa 2025 Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections.

Batay sa inilabas na anunsyo, ang hakbang ay bunsod ng bagong developments matapos maipasa sa ikatlo at pinal na pagbasa ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) Parliament Bill No. 351. Ang naturang panukala ay naglalayong muling hatiin at ayusin ang pitong (7) parliamentary district seats na orihinal na nakatalaga sa lalawigan ng Sulu.

Dahil dito, minabuti ng COMELEC na ipagpaliban muna ang printing ng mga balota upang masusing pag-aralan ang magiging epekto ng nasabing batas bago ituloy ang proseso.

Ang abiso ay ipinalabas nitong Agosto 20, 2025.