Bago na ang uupong Provincial Election Supervisor o PES ng COMELEC- Maguindanao Norte simula kahapon.

Ito ay sa katauhan ni Atty. Mohamad Nabil Mutia.

Pinalitan ni Atty. Mutia si out going Maguindanao Norte PES Atty. Muamar Guyo na nailipat naman bilang bagong Assistant Regional Director ng Comelec Region 9.

Si Atty. Mutia ang dating PES ng lalawigan ng Sulu bago ito nailipat sa Maguindanao del Norte.

Siya ang magsisilbi nang PES sa nakatakdang plebesito sa bayan ng Sultan Kudarat maging sa bayan ng Datu Odin Sinsuat sa Setyembre 7 at 21, 2024.