Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) ang opisyal na kalendaryo para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre 2, 2026, kabilang ang mga mahahalagang petsa para sa pagpaparehistro ng botante, pagsusumite ng certificates of candidacy, kampanya, at iba pang election activities.
Ayon sa COMELEC, ang voter registration period ay magsisimula mula Mayo 1 hanggang Mayo 18, 2026, at bukas ito sa lahat ng nais maging first-time voters, mag-transfer ng voting record, mag-reactivate, baguhin ang pangalan o i-update ang talaan ng mga Persons with Disabilities (PWDs), Senior Citizens, Indigenous Peoples, at iba pang sektor. Para sa mga nasa BARMM, magkakaroon din ng hiwalay na registration period.
Ang filing ng certificates of candidacy ay nakatakda mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 5, 2026, habang ang official campaign period ay mula Oktubre 22 hanggang Oktubre 31, 2026. Ipinagbabawal ang anumang campaigning sa election eve at sa mismong Election Day, kung saan ang pagbebenta at pag-inom ng alak ay bawal. Ang botohan ay magsisimula ng 7:00 AM at magtatapos ng 3:00 PM sa Nobyembre 2, 2026.
Itinakda rin ng COMELEC ang gun ban simula sa simula ng election period at ang huling araw ng pagsusumite ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Disyembre 2, 2026. Ang mga patakarang ito ay alinsunod sa COMELEC Resolution Nos. 11177 at 11191.

















