Nakipagpulong kamakalawa si Member of Parliament Abdullah “Commander Bravo” Macapaar kay Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” A. Macacua sa kanyang tanggapan.
Sa nasabing courtesy visit, muling pinagtibay ang paninindigan na ang lakas ng Bangsamoro ay nakaugat sa Qur’an at Sunnah, habang ang adhikain para sa kapayapaan ay nakabatay sa prinsipyo ng moral governance.
Binigyang-diin ng pamunuan na sa pagkakaisa at matibay na pagsunod sa moral governance, higit pang titibay ang Bangsamoro tungo sa isang mas matatag na bangsamoro.