Itinalaga si Congressman Esmael “Toto” Mangudadatu ng Lone District ng Maguindanao del Sur bilang Assistant Majority Floor Leader sa ika-20 Kongreso ng Pilipinas.

‎‎Ang naturang posisyon ay bahagi ng pamunuan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na tumutulong sa Majority Leader sa pamamahala ng mga talakayan at proseso sa plenaryo.‎‎

Ayon kay Mangudadatu, ang bagong responsibilidad ay isang panibagong hamon at pagkakataon upang mas epektibong maiparating ang boses ng mga mamamayan ng Maguindanao del Sur sa pambansang lehislatura.‎‎

Si Mangudadatu ay kasalukuyang miyembro ng House of Representatives at aktibong kalahok sa mga usapin ukol sa kapayapaan, kaunlaran, at karapatan ng mga mamamayan sa rehiyon.