Tinatayang nasa limandaang mga pamilya at residente ng Barangay Tamontaka 3 sa lungsod ang binigyang ayuda ni Maguindanao del Norte with Cotabato City Representative Bai Dimple Mastura.

Sa naging talumpati ni SK Chairman Princess Abdullah, pinasalamatan nito at ng mga residente ang kongresista dahil sa ayudang binigay nito.

Ayon sa kongresista, magpapatuloy pa ang kanyang pag-iikot at pagbibigay ayuda upang mamahagi ng tulong sa kanyang mga kababayan na nagmahal sa kanya sa mga nakalipas na taon ng kanyang panunungkulan.