Aprubado na ang pagbibigay ng one-time Special Appreciation and Merit–Gratuity Pay (SAM-GP) na aabot hanggang P10,000 para sa mga Contract of Service (COS) at Job Order (JO) workers ng pamahalaang Bangsamoro para sa Fiscal Year 2025.
Batay sa administrative order na inilabas ng Office of the Chief Minister, kwalipikado sa buong halaga ang mga COS at JO workers na may hindi bababa sa apat na buwang aktwal na serbisyo at may epektibong kontrata hanggang Disyembre 15, 2025, habang ipatutupad ang pro-rated na pagbibigay para sa may mas maikling panahon ng serbisyo.
Saklaw ng benepisyo ang mga manggagawa sa mga ministeryo, tanggapan at ahensya ng BARMM, kabilang ang mga nasa nationally-funded programs, at popondohan ito mula sa MOOE ng mga kaukulang ahensya.

















