Isang bagong kasaysayan ang naitala ng isang Cotabateño matapos niyang matagumpay na marating ang tuktok ng Mount Everest, ang pinakamataas na bundok sa buong mundo, nitong Huwebes, Mayo 15, 2025, ganap na 7:15 ng umaga (Nepal Time).
Si Rhisael “Ric” Rabe, isang mountaineer mula sa Cotabato City, ang kauna-unahang Cotabateño na nakaakyat sa taas na 29,030 talampakan ng Everest — isang tagumpay na higit dalawang dekada niyang pinangarap at pinaghirapan.
Kinumpirma ng kaniyang maybahay, si Ginang Aileen Rabe, na ligtas at matagumpay nang nakabalik si Ric sa base camp nitong Sabado, Mayo 17.
Ayon sa kanya, labis nilang ipinagpapasalamat ang kaligtasan ni Ric sa kabila ng hamon at panganib ng ekspedisyon.