Limang araw bago pa man pormal na umarangkada ang kampanya para sa lokal na halalan ngayong Mayo, nagpakita na ng presensya si Atty. Cynthia J. Guiani , isa sa mga tumatakbo sa pagka-alkalde ng Lungsod ng Cotabato.

Sa FB post nito, sinabi nitong marami ang nagtatanong kung bakit nananatiling tahimik ito sa gitna ng mga kontrobersiya sa pulitika.

Ayon sa kanya, hindi ito dahil sa takot o kawalang-pakialam, kundi dahil nais niyang iwasan ang mga hidwaang walang saysay at hindi nakatutugon sa tunay na problema ng bayan.

Para sa kanya, mas mahalaga ang pagiging maingat kaysa sa pagsabay sa maingay na pulitika. Naniniwala siyang darating ang tamang oras para magsalita at magbigay ng solusyon.

Ipinaalala ni Atty. Guiani na ang katahimikan ay hindi kahinaan kundi paghahanda para sa mas mahalagang laban para sa kinabukasan.

Hinikayat niya ang mga botante na huwag ibenta ang kanilang boto kapalit ng pansamantalang tulong o pera.

Sa panahon ng pagkakawatak-watak, nananawagan siya ng pagkakaisa at pagtindig para sa katotohanan at hustisya. Ayon sa kanya, ang pagbabago ay nagsisimula sa tamang pagpili ng pinuno.

Sa panahon ng pagkakawatak-watak, nananawagan siya ng pagkakaisa at pagtindig para sa katotohanan at hustisya. Ayon sa kanya, ang pagbabago ay nagsisimula sa tamang pagpili ng pinuno.

Para kay Atty. Guiani, ang boto ng bawat mamamayan ay sagradong sandata na dapat gamitin nang may pananagutan at pag-asa.