Iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang Cotabato City ang nag-iisang lugar sa bansa na nakapagtala ng “danger-level” heat index o pagitan ng 42°C hanggang 51°C nitong Linggo, Abril 12.
Batay sa kanilang datos, umabot sa 42°C ang heat index sa lungsod, at inaasahan ding mananatili ito sa parehong antas bukas, araw ng Lunes.
Dahil dito, pinapayuhan ang publiko na mag-ingat laban sa nararanasang matinding init na maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, o heat stroke.
Samantala, ilang lugar naman ang nasa kategoryang “extreme caution” (33°C hanggang 41°C), kabilang ang Tanay at Central Mindanao University Agromet Station.

















