Opisyal na kinilala ang Cotabato City bilang ganap na sumusunod sa Full Disclosure Policy ng DILG National at ng MILG-BARMM Batay sa ulat ng pagsunod o compliance report sa Full Disclosure Policy Portal o FDPP at sa sertipikasyon na rin ng MILG OIC City Director, compliant ang lungsod sa mga kinakailangang mga papeles para sa 2nd hanggang 4th Quarters ng Calendar Year 2024 na nakasalig sa DILG Memo Circular No. 2014-13 at 2011-08 na nagpapatupad sa Section 28, Artikulo 2 ng 1987 constitution.

Labis naman ang naging pagpapasalamat ng Cotabato City Government sa pagiging compliant ng lungsod at pagpapatibay sa kanilang pagsusumikap na maitaguyod ang mabuti at tapat na pamamahala para sa lahat.