Walang takas ang ilang mga tsuper ng Payong-payong tricycle sa Downtown Area, Almonte Street ng lungsod Cotabato matapos na harangin ito ng mga kapulisan ng Cotabato City PNP kagabi dahil sa mga paglabag nito sa mga batas at regulasyon pangtrapiko.
Matagal na aniya na bawal ang pamamasada ng mga payong-payong sa mga main thoroughfares ng lungsod pero may mga matitigas pa ring ulo na mga tsuper.
Sa huli, pinayuhan naman ito ng mga kapulisan na maari lamang itong mamasada sa kani kanilang sakop na barangay at wag nang mangahas na lumagpas pa rito.