Tiniyak ng Cotabato City Police Office na mananatili silang non-partisan o walang papanigang politiko sa gaganaping kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sa eksklusibong panayam ng Star FM Cotabato, sinabi ni PLt. Rochelle Evangelista, tagapagsalita ng CCPO, na nakatutok ang pulisya upang masiguro ang tamang proseso at maiwasan ang anumang kaguluhan sa halalan.

Dagdag pa ni Evangelista, katuwang ng PNP ang iba pang law enforcement agencies sa lungsod upang matiyak na magiging maayos at mapayapa ang halalan sa BARMM.