Patuloy ang pagtutok ng Cotabato City Police Office (CCPO) sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod matapos isagawa ang iba’t ibang operasyon laban sa ilegal na droga, loose firearms, at wanted persons noong Disyembre 2025.
Ayon sa ulat ng CCPO, mula Disyembre 1 hanggang 31, nakapagtala ang lungsod ng kabuuang 9 anti-illegal drugs operations na nagresulta sa 9 na arestado, at nakumpiska ang droga na tinatayang nagkakahalaga ng PhP 8,296.00.
Kasabay nito, patuloy din ang kampanya laban sa loose firearms kung saan 4 na armas ang isinumite o ipinasa ng mga may-ari sa mga awtoridad. Sa larangan ng pagtugis sa mga wanted persons, 9 na indibidwal ang naaresto sa iba’t ibang operasyon ng pulisya sa lungsod.
Sa mga naitalang shooting incidents sa nasabing buwan, 2 kaso ang naitala at parehong nalutas ng mga otoridad. Ayon sa CCPO, pinagtutuunan nila ng pansin ang agarang paglutas sa mga insidente upang mapanatili ang seguridad ng publiko.
Tiniyak ng CCPO na patuloy ang kanilang mandato na “To Serve and To Protect” sa pamamagitan ng masigla at koordinadong pagpapatupad ng batas, kabilang ang mabilisang pagtugon sa krimen at pagbibigay ng agarang tulong sa publiko.

















