Tiniyak ng Cotabato City Police Office (CCPO) na nananatiling ligtas at mahigpit na binabantayan ang lungsod matapos ang magkahiwalay na insidente ng pamamaril kamakailan.
Sa panayam ng Star FM Cotabato kay CCPO Spokesperson PLT. Rochelle Evangelista, iginiit niyang ginagawa ng kapulisan ang lahat upang mapanatili ang seguridad sa lungsod, na may 24/7 pagbabantay mula sa mga awtoridad.
“Patuloy nating binabantayan ang lungsod upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko. Mahigpit ding ipinapatupad ang election gun ban upang maiwasan ang anumang karahasan,” ani Evangelista.
Hinihikayat din niya ang pakikiisa ng mamamayan upang mapanatili ang kapayapaan, lalo na’t lumalaki ang populasyon ng Cotabato City.
Patuloy namang nagpapatrolya at nagsasagawa ng operasyon ang kapulisan upang matiyak na hindi na mauulit ang mga insidente ng karahasan sa lungsod.