Umabot lamang sa 600 ang tala ng kaso ng pamamaril na mayroon ang Cotabato City mula taong 2016 hanggang kasalukuyang taon.

Ito ay base sa inilahad na datos sa publiko ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao kung saan ipinapakita nito ang bilang ng mga kaso ng pamamaril na naitala sa lungsod mula taong 2016 hanggang 2025.

Sa datos na inilabas, kapansin pansin ang bahagyang pagbaba ng mga kaso ng pamamaril kumpara sa mga nakalipas na taon at ito naman ay taliwas sa pambabatikos ng ilang mga taga siyudad na tila may shooting spree o fiesta ng pamamaril sa lungsod.

Sa administrasyon ni Matabalao, ang taong 2024 ang may pinakamataas na bilang ng pamamaril na umabot sa 55.

Nilinaw naman ng alkalde na walang masamang intensyon ang kanyang tanggapan sa data release bagkos kaniya itong ginawa upang malinawan ang mga taga siyudad na mali ang kanilang panghuhusga hinggil sa nasabing usapin sa kanyang panunungkulan.