Naitala ang zero criminality sa buong Cotabato City sa oras ng laban ni People’s Champ Manny “Pacman” Pacquiao nitong linggo, ayon sa Cotabato City Police Office.‎‎

Kinumpirma ito ni PLt. Rochelle Evangelista, tagapagsalita ng CCPO, na nagsabing walang naitalang anumang insidente ng kriminalidad habang ginaganap ang laban ng Pambansang Kamao.

‎‎Ayon pa kay Evangelista, “Halos lahat ng tao ay nasa kani-kanilang mga bahay at nanonood ng laban.

Samantala, sabayang pinanood din ng mga residente ang laban sa LED screen na nasa Cotabato City Plaza, kung saan maraming pamilya ang sama-samang nagtipon upang suportahan si Pacquiao.

‎‎Ang live screening ng laban ay eksklusibong ipinalabas alinsunod sa utos ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao, bilang pagkilala sa naging kontribusyon ng People’s Champ sa bansa at sa inspirasyon na dala nito sa mga Cotabateño.‎