Ipinasilip sa madla ng Cotabato Light and Power Company ang pasilidad nito at ang kasalukuyang estado ng ginagawang pagtatanggal ng mga asbestos mula sa mga machine engine ng planta.
Aabot na sa 3.75 tons ng asbestos ang nakukuha ng third party contractor nila na Globe Care mula sa mga machine engine o aparato ng Cotabato Light.
Ang asbestos ay karaniwan na ginagamit sa mga produktong tulad na lamang ng mga insulator sa pipes.
Lubhang mapanganib na kemikal ang asbestos dahil na kapag ito ay nalanghap ng isang indibiduwal sa loob ng mahabang panahon ay maari itong magkaroon ng respiratory illness o sakit sa baga bukod sa ito ay matagal nang ipinagbabawal ng batas.
Ipinakita rin ng Colight ang pasilidad nito na king saan namomonitor ang galaw ng kuryente na sinusuplay ng kumpanya.
Dagdag pang pangkaalaman ng Colight, sa oras aniya na nagkakaroon ng brownout or power interruption ang NGCP, tanging sa mga ospital o bahay pagamutan lamang sila nagsusuplay ng special loads o kuryente.