Mariing pinabulaanan ng Cotabato Light ang kumakalat na ulat hinggil sa umano’y matagal na power outage at rotational brownout sa kanilang franchise area.

Sa inilabas na advisory ng kumpanya, nilinaw nitong hindi totoo ang mga naturang pahayag at nananatiling stable ang suplay ng kuryente sa kanilang nasasakupan.

Iginiit din ng Cotabato Light na walang basehan ang mga impormasyong kumakalat online at pinayuhan ang publiko na huwag basta maniwala sa mga hindi beripikadong ulat o social media posts.

Sa ngayon, tiniyak ng kumpanya na patuloy ang kanilang pagbibigay ng maayos at sapat na suplay ng kuryente para sa kanilang mga konsyumer.